Pagbabalik ng face-to-face classes, makakabuti sa trabaho at ekonomiya ng bansa – NEDA

Inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) na maaaring kumita ng halos ₱12 bilyon kada linggo at makapagpapalakas pa ng employment rate ng bansa ang muling pagbubukas ng in-person classes.

Ayon sa NEDA Sec. Karl Kendrick Chua, sa pagdami ng mga paaralan na bumabalik sa face-to-face classes, mas mahabang oras na ang maigugugol ng mga magulang sa kanilang trabaho, na magiging kapaki-pakinabang sa economic recovery.

Bagama’t bumaba aniya ang unemployment rate sa 6.4 porsyento noong Enero, ang employment participation naman ay naapektuhan ng paghihigpit sa galaw ng tao dahil sa Omicron variant.


Bahagya kasi aniyang bumaba ang labor force participation rate sa 60.5 porsyento mula sa 65.1 porsyento noong Enero.

Gayunman, iginiit ni Chua na ngayong napigilan na ang pagkalat ng virus at nasa Alert Level 1 na ang ilang lugar sa bansa, inaasahan nilang mas bubuti na ang lagay ng employment outcome sa mga susunod na buwan.

Facebook Comments