Pagbabalik ng face-to-face classes sa lahat ng paaralan sa bansa ngayong darating na pasukan, ikinatuwa ng CHR

Ikinatuwa ng Commission on Human Rights o CHR ang inanunsyo ng Department of Education (DepED) na magbabalik na sa face-to-face classes ang lahat ng paaralan sa bansa ngayong darating na pasukan.

Ayon kay CHR Executive Director Jacqueline Ann De Guia, ang naturang hakbang ng DepED ay sagot upang mas madaling ma-access ng mga mag-aaral ang edukasyon sa bansa.

Aniya, ang Pilipinas ay nananatiling isa sa mga bansang hindi pa ganap na muling nagbubukas ang mga paaralan dahil sa COVID-19 pandemic.


Dagdag pa ni De Guia, maaaksyunan na rin ang “glaring inequalities” ng literacy at proficiency sa mga kabataang Pilipino.

Kasabay nito, binati rin ng CHR ang DepED sa matagumpay na “blended learning set-up” upang matugunan ang pag-aalinlangan ng mga magulang na makilahok ang kanilang mga anak sa face-to-face classes.

Facebook Comments