Kinumpirma ngayon ng Department of Education (DepEd) na tuloy na ang pag-arangkada ng face-to-face classes sa mga piling paaralan sa National Capital Region (NCR).
Ayon sa DepEd, ang naturang hakbang ay ginawa sa gitna na rin ng banta ng Omicron COVID-19 variant.
Paliwanag ng DepEd, wala pa munang magiging adjustment kung saan susundin muna nila ang mga naunang plano.
Dagdag pa ng DepEd na 28 pa rin na mga paaralan ang sasali o lalahok sa face-to-face classes sa Metro Manila.
Giit ng DepEd na tig-dalawang paaralan ang lalahok sa Caloocan City, Mandaluyong, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Paranaque, Pasig, Quezon City, Taguig, Valenzuela at Las Piñas kung saan isa naman ang sasali o lalahok sa Malabon, Makati, San Juan at Pasay City at paiiralin pa rin ang social distancing alinsunod sa kautusan ng Inter-Agency Task Force.