Pagbabalik ng kapangyarihan ng NFA, mas lalong magpapalala ng korapsayon sa ahensya ayon sa mga magsasaka

Hindi rin pabor ang grupo ng mga magsasaka na ibalik ang kapangyarihan ng National Food Authority sa pagbili at pagbenta ng murang bigas sa merkado sa sandaling amyendahan ang Rice Tarification Law.

Sa interview ng RMN Manila, binigyang – diin ni Samahang Industriya Ng Agrikultura Chairperson Rosendo So na ngayon pa lang ay sangkot na ang NFA sa isyu ng korapsyon ay mas lalo pang lalala ang mga pang-aabusong ito sa sandaling mabigyan sila ng kapangyarihan.

Nabatid na gumugulong ang imbestigasyon ngayon ng Office of the Ombudsman sa kontroberyal na pagbebenta ng NFA rice sa mga trader sa paluging halaga.


No comment naman dito ang Department of Agriculture, pero pagtitiyak ni DA Asec. Arnel de Mesa na may mga safe guard naman silang ilalagay upang hindi na maulit ang mga ganitong problema.

Facebook Comments