
Naniniwala ang August 21 Movement (ATOM) na nanunumbalik ang talamak na korapsyon at pang-aabuso sa kapangyarihan dahil nagpabaya ang sambayanan na isustine at panghawakan ang mga tagumpay ng People power Revolution.
Ayon kay Volt Bohol, hindi nagtapos ang rebulusyon noong February 25, 1986.
Hindi ito tuwing anibersaryo lamang kundi nasa sustinadong civic engagement.
Ang kalayaan aniya sa kahirapan,korapsyon at pang aabuso ay mangngailangan ng sama-samang aksyon ng mga mamamayan.
Dagdag ni Bohol, marami pang dapat gawin upang mapalakas ang diwa ng rebolusyon.
Kabilang dito ang pagtupad sa ating civic responsibilities, sa pagboto ng tama, sa pagbabantay at pagpapanagot sa ating mga lider.
At sa pagpapatatag ng mga institusyon, hindi umano sapat na magreklamo lang sa social media, kundi ang personal na pakikilahok at paninindigan.










