Pagbabalik ng mabilis na transaksyon sa ilang serbisyo, inaapura na ng LTO

179

Tiniyak ng Land Transportation Office (LTO) na unti-unti na nilang ibinabalik ang mabilis na transaksyon sa kanilang tanggapan.

Bunsod ito ng mga naransanang abala nitong mga nakaraang araw sa kanilang Information Technology (IT) system.

Ayon sa LTO, stable na ang kanilang IT system pero patuloy pa rin nilang inaalam ang ugat ng naturang problema na nagresulta sa aberya sa ilang serbisyo nito tulad ng renewal ng mga rehistro ng sasakyan at sa pagproseso ng driver’s license.


Humingi naman ng pang-unawa ang ahensya sa naturang sitwasyon.

Facebook Comments