Isinisi ni Vice President Leni Robredo sa pamumulitika sa isyu ng Dengvaxia vaccine ang pagbabalikan ng iba’t ibang sakit dahil sa kakulangan ng bakuna.
Ayon sa Bise Presidente – dahil sa kontrobersyal na anti-dengue vaccine, maraming magulang ang natakot pabakunahan ang kanilang mga anak.
Kasabay nito, nanawagan si Robredo sa Department of Health (DOH) at Local Government Units (LGUs) na paigtingin ang kampanya sa pagpapabakuna.
Matatandaang nitong buwan nang maitala ang pinakaunang kaso ng polio sa bansa matapos ang 19 na taon.
Nauna nang nagdeklara ng outbreak sa tigdas at dengue, habang isang estudyante ang nasawi sa Maynila dahil sa pagbabalik ng sakit na diphtheria.
Facebook Comments