
Naayos na ng pamunuan ang LRT Line 2 ang rectifier 6 o ang power transformer na isa sa mga dahilan ng technical problem sa linya ng tren kanilang umaga.
Sa ngayon, ang patuloy pang inaayos ang rectifier 5 ng LRT Line 2.
Kasalukuyan pa ring ipinatutupad ang provisionary service sa LRT Line 2 kaya’t limitado lamang ang biyahe ng mga tren.
Ito ay mula Recto Station hanggang Araneta Center-Cubao Station at pabalik.
Dahil sa nangyaring aberya, ipinag-utos na ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon ang libreng sakay sa mga commuters na tumatangkilik sa LRT Line 2.
Sinabi ni LRTA Administrator Atty. Hernando Cabrera hanggang bukas ay may handog na libreng sakay sa buong linya ng Line 2 ng LRT.
Facebook Comments









