Pagbabalik ng number coding scheme sa EDSA, dedesisyunan ng MMDA sa susunod na dalawang araw

Tiniyak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pinag-aaralan nilang mabuti ang lahat ng opsyon para masolusyunan ang bumibigat nang daloy ng mga sasakyan sa EDSA.

Nabatid na nasa 401,000 na mga sasakyan na ang bumabaybay ngayon sa EDSA na malapit na sa pre-pandemic volume na 405,000.

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, pinag-aaralan nilang ibalik ang number coding scheme pero tuwing rush hour lamang.


Kabilang din sa hinihimay ng MMDA ay ang pagpapatupad muli ng truck ban at ang posibleng pagbabawal sa mga light truck na dumaan sa EDSA.

Ayon kay Abalos, sisikapin nilang maisapinal ang lahat ng opsyon at maglalabas sila ng desisyon sa susunod na dalawang araw.

Facebook Comments