
Pinayagan ng Korte Suprema ang muling pagkatawan ng Office of the Solicitor General (OSG) para sa mga opisyal ng gobyerno.
Ito ay kaugnay sa petisyon na inihain nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Bato dela Rosa na kumukuwestiyon sa pakikipagtulungan ng gobyerno sa International Criminal Court (ICC) at pag-aresto sa dating presidente para dalhin sa The Hague.
Ayon sa SC, pinagbigyan ng En Banc ang Manifestation with Entry of Appearance ng OSG para muling kumatawan sa respondents.
Noong Abril, hindi na kumatawan sa kaso ang OSG sa ilalim ni dating Solicitor General Menardo Guevarra dahil daw kumalas na ang Pilipinas sa Rome Statute noong 2019.
Sa ngayon, humiling na ang OSG ng lahat ng kopya ng court issuances na may kaugnayan sa kaso.









