Pagbabalik Ng Parusang Bitay Bago Mag-Pasko, Tiniyak Ng Kamara

6

MANILA – Desidido ang liderato ng kamara na maipasa bago mag-pasko ang mga panukalang pagbuhay sa death penalty.Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, batay sa pakikipag-pulong nila kay Pangulong Rodrigo Duterte – ipinaalala nito ang priority bills na dapat unahin ng kongreso.Sinabi ni Alvarez, na balak ng mababang kapulungan na aprubahan ang restortation ng death penalty at pagbabago sa edad ng criminal liability ng mga kabataan bago ang Christmas break ng 17th congress.Ang dalawang panukalang batas ay ini-akda ni Alvarez at iba pang lider ng kamara.Matatandaan sa pagdinig ng sub-committee on correctional reforms ng house justice panel, kapwa kumontra ang DSWD at Commission on Human Rights sa pagpapababa sa edad ng criminal responsibility dahil hindi ito solusyon sa para masolusyunan ang kriminalidad sa bansa.Sa hearing naman ng sub-committee on judicial reforms, may ilang Kongresista din ang naghayag ng pagtutol sa pagbuhay sa parusang bitay.

Facebook Comments