Pagbabalik ng Pilipinas sa ICC, desisyon dapat ni PBBM

Iginiit ni Senate President Chiz Escudero na ang pagbabalik ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC) ay dapat desisyon ng Ehekutibo o ni Pangulong Bongbong Marcos.

Nauna rito ay ilang kongresista ng Kamara ang naghayag na suportado o bukas sila sa muling pagsali ng bansa sa international tribunal.

Ayon kay Escudero, walang papel ang Senado tungkol dito maliban sa ratipikahan ang mga international treaties o iba pang kasunduan na pinapasok ng gobyerno.


Hindi aniya kasama ang Mataas na Kapulungan sa paglagda ng mga international treaties.

Sakali namang magdesisyon si PBBM na bumalik sa ICC, back to zero o balik sa simula ang pagdaraanang proseso sa Senado kung saan diringgin ulit ito sa komite at daraan sa debate sa plenaryo.

Facebook Comments