Pagbabalik ng Polio sa bansa, ibinabala ng DOH

Binalaan ng Department of Health (DOH) ang publiko na pwedeng bumalik ang sakit na Polio dahil sa pagbaba ng bilang ng mga nagpapabakuna kontra sa sakit.

Ang Polio ay isang sakit na nakakahawa na nagmumula sa Poliovirus na nakakaapekto sa utak at spinal cord ng isang indibidwal.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque , ang mga kadalasang nagiging biktima nito ay mga bata.


Dahil dito, nagsagawa ang DOH ng Synchronized Polio Vaccination sa mga batang limang taong gulang pababa.

Nasa 6.8 Milyong kabataan ang target nilang mabakunahan.

Pinaalalahanan naman ng DOH ang publiko na panatilihing malinis ang kapaligiran at ang kanilang pangangatawan.

Facebook Comments