Pagbabalik ng public works at iba pang priority projects, magpapalakas sa ekonomiya

Hinimok ni Senator Ramon Bong Revilla Jr. ang pamahalaan na agad ibalik at bilisan ang public works at iba pang pangunahing proyekto na naantala dahil sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) na nagsimula noong March 15, 2020.

Pahayag ito ni Revilla, sa harap ng magiging paglalagay sa National Capital Region (NCR) at ilan pang malaking bahagi ng bansa sa General Community Quarantine (GCQ) simula sa Lunes, Hunyo 1.

Sinabi ni Revilla na ang pagbabalik ng public works ay malaking simula para maiangat ang ekonomiya matapos ang tatlong buwang lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.


Idinagdag pa ni Revilla na halos naubos na ng Local Government Units (LGUs) ang 20% local development fund dahil sa paglaban sa COVID-19.

Binanggit ni Revilla na pati pagkain, transportasyon at matutuluyan ng medical personnel at iba pang frontliners ay sinagot lahat ng LGUs at dahil sa haba ng lockdown, pasaid na ang mga ito.

Diin ni Revilla, ang national government na lang ang may kakayahang magpatupad ng public works na kailangan talagang apurahin para ibangon ang nakapako nating ekonomiya.

Facebook Comments