MANILA – Kailangan munang aprubahan ng kongreso ang planong pagbuhay sa mandatory Reserve Officers Training Corps o (ROTC).Sinabi ni AFP Chief of Staff Eduardo Año, na nakasaad sa konstitusyon na katungkulan ng bawat mamamayan na idepensa ang bansa.Kailangan anyang mayroong basic knowledge o kaalaman ang bawat isa sa pakikipaglaban.Binatikos naman ni Makabayan Secretary General Renato Reyes na gawing mandatory ang ROTC.Ayon pa sa grupo, pagbubukas lamang ito ng daan para sa korapsyon.Una nang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuhay sa mandatory ROTC pogram na magiging bahagi ng curriculum ng grade 11 at 12.
Facebook Comments