Leyte – Posibleng abutin pa ng isang linggo bago tuluyang maibalik ang suplay ng kuryente sa mga lugar na naapektuhan ng lindol sa Leyte.
Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi – minamadali na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at Energy Development Corporation ang pagkukumpuni sa mga nasira ng lindol.
Kanina lang, 60 porsiyento na ng suplay ng kuryente ang naibalik sa Kanangga, Leyte.
Naglagay naman ng mga libreng charging station sa Tacloban City.
Samantala, umabot na sa higit 300 aftershocks ang naramdaman sa Leyte na kadalasang may lakas na magnitude 1.5 hanggang 4.3.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558
Facebook Comments