Pagbabalik ng Uber sa mga kalsada, bawas kita ayon sa ilang mga taxi drivers

Manila, Philippines – Ikinadismaya ng grupo ng mga taxi driver ang pagbawi ng LTFRB sa isang buwang Suspensyon ng Uber kapalit ng 190 milyong piso na multa.

Sinabi ni Joseph Ruanes ng World Taxi na mas mainam na lamang sana kung itinuloy na sinuspindi ang Uber para makaramdam ito ng pagrespeto sa mga polisiya o batas.

Binigyan diin ni Ruanes na nagmumukhang suhol para sa kanila ang 190 million na multa sa Uber.


Baka hindi na aniya mangimi na lumabag sa batas ang Uber dahil nakakita ng puwang na puwede palang daanin na sa multa ang alinmang violations.

Sa panig, naman ni Rogelio lingcuna ng RV and Mhaey Taxi, sinabi niya na dahil makakabalik operasyon na ulit ang Uber, malaking kawalan na naman ito sa kanilang kita dahil dadami na muli ang sasakyan sa kalsada at mababawasan ang dami na makabiyahe.

Ipinagtanggol din nila ang mga pagtuligsa sa hanay ng taxi.

Kahit anila sa Uber at Grab ay may masasabi ring iba ang pag-uugali na malimit ay napagkakamalang kabastusan.

Ito anila ang kanilang hanapbuhay at kailanaman ay hindi nila ito hahaluan ng kalokohan.

Facebook Comments