Pagbabalik ng US envoy sa Pilipinas ng Balangiga Bells, ikinatuwa ng palasyo

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Malakanyang ang pahayag ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim na may mga paraan nang ginagawa ang Estados Unidos para maibalik sa Pilipinas ang Balangiga Bells.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, patuloy na makikipag-ugnayan ang pamahalaan sa US para sa pagbabalik ng Balangiga Bells na bahagi ng national heritage.

Dalawa sa Balinga Bells ay naka-display sa F.E. Warren US Air Force Base sa Wyoming habang ang pangatlo ay nasa Camp Red Cloud ng US military sa South Korea.


Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na simbolo ng kabayanihan at kagitingan ng mga Filipinong lumaban sa pagsakop ng Estado Unidos ang nasabing mga kampana.

Facebook Comments