Pagbabalik ng US military bases sa bansa, posibleng maging mitsa ng gulo sa South China Sea – Pangulong Duterte

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na ang pagpayag muling maibalik ang mga base militar ng Estados Unidos sa bansa ay posibleng humantong lamang sa giyera sa West Philippines Sea.

Ayon kay Pangulong Duterte, maiipit ang Pilipinas sa pagitan ng dalawang makapangyarihang armed forces lalo na kung ipagpapatuloy ang Visiting Forces Agreement (VFA).

Dagdag pa ng Pangulo, malaki ang isinusugal ng Pilipinas kapag pinayagan ang US na magtambak ng mga armas sa bansa.


Bago ito, sinabi ni Pangulong Duterte na kailangang magbayad ng US kung nais nilang maipagpatuloy ang VFA – na umani naman ng kritisismo sa Kongreso at iba pang opisyal ng gobyerno dahil sa tila pangingikil ang ginagawa ng Pangulo.

Facebook Comments