Pagbabalik ng VFA, mas magpapatibay sa ugnayan at relasyon ng Pilipinas at Amerika

Umaasa ang liderato ng Kamara na mas mapapalakas pa ng pagbabalik ng Visiting Forces Agreement (VFA) ng Pilipinas at Amerika ang ugnayan at relasyon ng dalawang bansa.

Ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco, higit na dapat mapagtibay pa ang koneksyon ng Pilipinas sa Estados Unidos lalo pa’t hindi sigurado at malaking hamon sa political environment ang sitwasyon ngayon na pinalala ng COVID-19 pandemic.

Naniniwala naman si House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez na ang pagbawi ng pangulo sa pagbasura sa VFA ay magpapalakas pa sa bilateral cooperation ng Pilipinas at Amerika na “crucial” o mahalaga ngayong nahaharap ang buong mundo sa health crisis.


Paliwanag ni Romualdez, sa pamamagitan ng global cooperation ay makaka-survive o makakaahon tayo mula sa pandemya.

Higit sa lahat, binigyang-diin ng majority leader ang kahalagahan ng “partnership” at pakikipag-tulungan sa mga brother-nation, upang malabanan ang anumang banta sa ating bansa sa kasalukuyan at sa mga maaari pang sumulpot sa hinaharap.

Facebook Comments