PAGBABALIK NG WAR ON DRUGS | Namamatay na drug personalities, umabot na sa 65

Manila, Philippines – Umakyat na sa animnapu’t limang drug personalities ang namamatay matapos manlaban sa mga Police Operations at Anti-Illegal Drug Operation ng Philippine National Police (PNP).

Batay ito sa rekord ng PNP Directorate for Operations mula December 5, 2017 hanggang kahapon February 14, 2018.

Aabot na rin sa 7, 103 mga drug personalities ang naaresto sa mga anti-illegal drug operation.


Sa Oplan Tokhang operation naman ng PNP na umabot na sa 4,339, 2137 na mga drug personalities ang sumuko sa buong bansa.

730 mga drug personalities ay sumuko sa Police Regional Office 10 at 430 drug personalities ay sa National Capital Region Police Office (NCRPO).
Ang tokhang operations ay ginagawa na lamang mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas -5:00 ng hapon, Lunes hanggang Byernes batay na rin sa bagong guidelines ng PNP.

Matatandaang December 4, 2018 nang muling simulan ng PNP ang pasasagawa ng anti-illegal drug operations matapos na ipag-utos ito ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang suporta sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang lead agency sa pagsasagawa ng war on drugs ng pamahalaan.

Facebook Comments