Pagbabalik-operasyon ng NLEX sa land area ng Valenzuela City, nakadepende sa bilis ng pag-aksyon ng toll company

Nakasalalay sa bilis ng pagresolba sa RFID glitches ng North Luzon Expressway (NLEX) Corp. ang bilis ng pagbabalik ng kanilang business permit sa land area ng Valenzuela.

Ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, hindi niya bibigyan ng deadline ang NLEX kaya nakadepende sa kanilang aksyon kung kailan ito makakapag-operate muli.

Para maalis ang suspensyon, dapat na 98% nang nababasa ng mga sensor ang RFID stickers at dapat na maayos ang loading system nito kung saan marami ang nawawalan ng load.


Tiniyak naman ng pamunuan ng NLEX na patuloy silang makikipag-ugnayan sa Valenzuela LGU para maresolba ang isyu.

Ayon kay NLEX Corp. President J. Luigi Bautista, bukod sa nag-aadjust pa ang RFID system, nakadaragdag din sa matinding traffic ang pag-alis sa number coding at truck ban gayundin ang trade at shopping rush ngayong panahon ng kapaskuhan.

Facebook Comments