Tanging ang mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) na walang pagkakautang na buwis sa gobyerno ang tanging papayagang muling makapag operate ng pamahalaan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque 30% lamang ng kabuuang workforce ang pinapayagang pumasok upang mapanatili ang social distancing.
Hindi rin mawawala dito ang pagsusuot ng face mask, proper hand hygiene at ang disinfection sa kanilang workplace.
Maliban dito ang lahat ng papasok na POGO workers ay dapat sumailalim muna sa COVID-19 testing ito man ay RT PCR o rapid testing.
At dapat may basbas muna silang makuha mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Sinabi pa ni Roque na ang lahat ng malilikom na kita ng pamahalaan mula sa POGO ay mapupunta sa COVID-19 responce fund.
Una nang sinabi ng Palasyo na nakikita nila ang POGO bilang source of income ngayong nahaharap tayo sa krisis dulot ng COVID-19.
Sa pagtaya ng PAGCOR nasa 60 POGO companies ang inaasahang mag ooperate muli matapos ang isasagawa nilang week of validation.