Pagbabalik-operasyon ng provincial buses, iminungkahi ng Kamara

Hiniling ni Albay Rep. Joey Salceda na ibalik na ang biyahe ng provincial buses.

Ayon kay Salceda, makabubuti na alisin na ang provincial bus ban dahil pinahihintulutan naman na ng mga lokal na pamahalaan ang paglabas at pagpasok ng mga sasakyan sa Metro Manila.

Babala ng mambabatas, hindi makaka-recover ng husto ang ekonomiya hangga’t hindi nagiging operational ang transportasyon.


Patuloy kasi aniya na mahihirapan ang publiko na siyang itinuturing na “driving force of the economy”.

Mahalaga rin aniya ito upang sa gayon ay gumana at maging epektibo ang pagpapatupad ng economic stimulus plan.

Kasabay nito ay iminungkahi niya na magkaroon ng programa ang pamahalaan na makapag-operate ang mga provincial buses na hindi naman palugi pero hindi rin maisasakripisyo ang kaligtasan at kalusugan ng mga mananakay.

Facebook Comments