Pagbabalik pasada ng mga pampasaherong jeep, posible sa katapusan ng Hunyo

Pinag-aaralan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang posibleng pagbabalik ng pampasaherong jeepney sa katapusan ng Hunyo.

Nabatid na sinuspinde ang pampublikong transportasyon bunsod ng ipinatupad na lockdown para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon kay LTFRB Chairperson Martin Delgra III, nasa 100 hanggang 104 rationalized jeepney routes ang bubuksan kapag binawi na ang quarantine.


Sa ngayon, ilang piling transportasyon, tulad ng P2P buses, ride-hailing services, mass rail transit systems, at bisikleta ang pinapayagang bumiyahe sa limitadong kapasidad.

Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque, nasa desisyon ng Department of Transportation (DOTr) kung papayagan nang bumiyahe ang mga UV Express, Provincial Buses, at Modern Jeepney sa June 22.

Una nang sinabi ng isang transport group na nasa 90% ng jeepney at bus drivers sa bansa ang kumakalam na ang sikmura dahil sa kawalan ng mapagkakakitaan.

Facebook Comments