Pagbabalik sa bayad ng mga customer ng utility companies na may service interruptions, isinulong sa Kamara

Pinapa-refund o pinababalik ni Davao Oriental Representative Cheeno Almario ang bayad ng mga customer ng utility companies na nagkaroon ng unannounced at unscheduled na service interruptions sa loob ng 24 na oras na hindi dulot ng kalamidad.

Nakapaloob ito sa House Bill 8191 na inihain ni Almario na sumasaklaw sa mga kompanya na nagseserbisyo sa publiko ng kuryente, tubig, internet, cable kasama ang telecommunication companies.

Ayon kay Almario, madalas nagpapatupad ng sevice interruptions ang mga utility companies sa iba’t ibang panig ng bansa na labis na nakakaapekto sa mamamayan.


Ipinunto ni Almario na kahit may sablay sa serbisyo ay patuloy ang paniningil ng utility companies sa kanilang mga customer kada buwan.

Diin ni Almario, ang kanyang panukala ay paraan din para magkaroon ng pananagutan ang mga public utility provider at mas pagbutihin nila ang serbisyo.

Facebook Comments