Manila, Philippines – Ikinatuwa ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang desisyon ng Kamara na ibalik ang pangalawang pangulo sa line of succession sa ilalim ng isinusulong na federal form of government.
Sa programang Biserbisyong Leni ng DZXL RMN Manila, sinabi ni Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo – muling kinikilala ang bise presidente bilang constitutional successor ng Pangulo.
Maging aniya ang ilang senador, lalo na ni Senate President Tito Sotto III ay tutol sa unang ipinanukala.
Matatandaang inilagay ng Kamara sa draft charter ang probisyong ang senate president, hindi ang bise presidente ang sasalo sakaling hindi magampanan ng Pangulo ang tungkulin nito, pero binawi rin ito.
Facebook Comments