Desisyon pa rin ng mga Higher Education Institutions kung magpapatupad na sila ng face-to-face classes sakaling payagan na ng gobyerno.
Ito ang nilinaw ng Commission on Higher Education matapos payagan na ang face-to-face classes sa kolehiyo sa mga lugar na nasa ilalim ng alert level 3 pababa.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni CHED Chairman Prospero de Vera na nakadepende pa rin sa pamunuan ng mga kolehiyo kung mananatili sila sa flexible learning o papayagan na ang face-to-face classes.
Batid pa rin aniya nila na may mga lugar pa rin na mahirap ang mga biyahe dahil sa mga ipinatutupad na guidelines kung kaya’t kinakailangang nakatutok dito ang mga Local Government Units.
Una nang sinabi ng Inter-Agency Task Force na dapat ay hindi tutol ang LGU na nakakasakop sakaling magpatupad ng face-to-face classes at limitado lamang ito para sa mga guro, staff at estudyanteng fully vaccinated kontra COVID-19.