Nananatili pa ring ligtas mula sa pagkahawa sa COVID-19 ang pagbabalik sa limitadong kapasidad ng mga religious gathering sa bansa katulad ng pagsasagawa ng misa.
Ayon kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Public Affairs Committee Executive Secretary Fr. Jerome Secillano, wala pa silang natatanggap na impormasyon na naging superspreader event ang muling pagsasagawa ng misa.
Nabatid na nitong Enero ay isang aktibidad ang isinagawa sa Quiapo na posibleng magdulot ng pagkahawa pero hindi naman ito nangyari.
Matatandaang sa ilalim ng Alert Level 4 system, papayagan ang mga religious gatherings na mag-operate ng hanggang 10% venue/seating capacity at tanging ang mga fully vaccinated lamang ang papayagang makapasok sa loob ng simbahan.