Manila – Pagbalik sa manu-manong halalan ang pinag-aaralan ngayon ng Comelec sakaling ipatupad ang pag-iisyu ng resibo ng mga Vote Counting Machines (VCM).Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, isa ito sa nakikita nilang contingency plan na napag-usapan sa kanilang en banc meeting.Sinabi pa ni Bautista na ipapatawag nila ngayong Lunes ang kanilang advisory counsel para himingi ng payo sa usaping ito.Sa kabila nito, sinimulan na ng Comelec ang bidding para sa thermal paper na mga gagamitin sa pag-iisyu ng resibo.Umaasa rin sila na pagbibigyan ng Korte Suprema ang kanilang hiling na payagang maipakita sa mga mahistrado kung paano gumagana ang Vcm.Pero kahit naghahabol, tiniyak naman ng Comelec na maganda ang resulta ng kanilang paghahanda sa eleksyon.
Pagbabalik Sa Manu-Manong Halalan, Isa Sa Plano Ng Comelec Sakaling Ipatupad Ang Pag-Isyu Ng Resibo Sa Halalan
Facebook Comments