Inaasahang sa 2023 pa magbabalik sa normal ang pamumuhay ng mga Pilipino kung magkakaisa ang lahat sa laban kontra COVID-19 pandemic.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., ang tuloy-tuloy na programa sa pagbabakuna laban sa COVID-19 ay kailangan ng “highly committed” at suporta mula sa government agencies at sa mga pribadong sektor.
Gayundin ang maayos na health care system at tamang pagbibigay ng impormasyon sa mga komunidad hinggil sa bakuna.
“It is only through this that we can implement a sustainable immunization program to recover the economy and restore normalcy in the lives of the Filipino people by 2023 through our bayanihan spirit,” ani Galvez
Sabi pa ni Galvez, pitong manufacturers ng COVID-19 vaccine ang kanilang kinakausap para makakuha ang bansa ng 148 million doses.
Bukod dito, inaasahang makakakuha rin ang pamahalaan sa pamamagitan ng bilateral agreements ng 40 million vaccine doses mula sa Covax Facility.
“We will be able to purchase at least 148 million doses from 7 pharmaceutical companies. More than 100 million doses have been fully secured for production,”.
Una nang sinabi ni Galvez na layon ng gobyerno na mabakunahan ang mahigit 50 hanggang 70 milyong indibidwal ngayong 2021, kasama na ang mga nasa vaccination priority list.