Itinakda na sa Enero 9 ang target na petsa ng pagpapabalik sa South Korea ng tone-toneladang na nakatengga sa Misamis Oriental.
Sa pulong balitaan sa Quezon City, sinabi ni John Simon, port collector ng Mindanao International Container Terminal na ito ang resulta ng bilateral agreement sa pagitan ng kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at gobyerno ng South Korea noong Disyembre.
Ayon naman kay Ailewn Lucero, national coordinator ng EcoWaste coalition, dahil sa pagpupursigi ng Bureau of Customs (BOC) at DENR, napatunayang misdeklarado at peligroso sa pampublikong kalusugan ang mga naturang basura.
Ang shipper ng basura ay ang Green Soko Co at ang Consignee ay ang Verde Soko Philippines.
Lumilitaw na ang laman ng 51 container na misdeklaradong plastic synthetics flakes ay naglalaman ng gamit na intravenous lines, light bulbs at lumang baterya.