Manila, Philippines – Puspusan na ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa pagkukumpuni ng mga pasilidad nilang napinsala ng lindol sa Visayas.
Ayon kay NGCP Spokesperson Atty. Cynthia Alabanza – nakikipagtulungan na ang lokal na pamahalaan sa kanila para maibalik sa lalong madaling panahon ang suplay ng kuryente sa mga apektadong lugar.
Tulad aniya ng pagsasailalim sa testing ang Ormoc substation.
Naisaayos na rin ang Tabango-Ormoc bypass line habang nagsimula na ring magsuplay ng kuryente ang bohol electric cooperative sa Antequera, Panglao, Loay, Maribojoc at Tubigon.
Samantala, nagpahayag ang Department of Energy (DOe) na posibleng abutin pa ng sampung araw bago maibalik ang suplay ng kuryente sa mga lugar sa Leyte na naapektuhan ng lindol.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558