Hindi inirerekomenda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagbabalik ng mga residenteng naapektuhan ng lindol, sa kani- kanilang mga tahanan.
Ayon kay Pangulong Marcos, bagama’t structurally safe nang balikan ang kanilang mga bahay, ay posibleng magkaroon pa ng mga aftershocks.
Halimbawa aniya nito ay ang nangyaring paglindol sa Baguio ilang taon na ang nakararaan, kung saan ay marami na ang nagsibalikan sa kanilang mga bahay sa pag-aakalang ligtas nang bumalik.
Subalit ang nangyari ayon sa pangulo, ay natyempuhan ang mga ito ng aftershocks na nagresulta ng maraming bilang ng nasawi.
Facebook Comments