Pagbabalik sesyon ng Kamara bukas, tuloy!

Tuloy ang pagbabalik sesyon ng Kamara bukas, May 4, sa kabila ng nagpapatuloy na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Pero base sa guidelines na inilabas ng Office of the House Secretary General, 25 lang ang papayagang dumalo nang personal habang ang natitirang higit 200 kongresista ay lalahok sa pamamagitan ng video conferencing.

Hindi rin dapat lalagpas sa 25 house secretariat employees, media personnel at guest ang papayagang makapasok sa plenary hall.


Istrikto ring ipatutupad ang physical distancing measures.

Isasagawa naman sa pamamagitan ng video conferencing ang mga committee hearing, technical working group meeting, administrative meeting, political caucuses at press conference.

Hindi rin papayagan ang anumang aktibidad na lalakuhan ng 50 katao pataas.

Bukod sa physical distancing, mahigpit ding ipapatupad sa kamara ang health protocols gaya ng “no face mask, no entry policy”, temperature check, paglalagay ng alcohol o sanitizers sa mga entrance ng gusali at disinfection mats.

Required namang magsumite ng accomplished health declaration form ang mga guest bago sila payagang makapasok sa gusali.

Facebook Comments