Pagbabalik trabaho ni Supt. Marcos, pansamantala lang ayon sa PNP

Manila, Philippines – Hindi mananatili ang pagbabalik trabaho ni Supt. Marvin Marcos bilang pinuno ng Criminal Investigation and Detection Group region 12.

Paliwanag ni Philippine National Police Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos, nakadepende pa kasi ito sa magiging resulta ng itinatakbong kasong kriminal ni Marcos sa korte.

Posible pa aniya na masibak sa serbisyo si Marcos kapag hindi naging paborable sa kanila ang naging desisyon ng korte kaugnay sa kasong kriminal na kanilang kinakaharap.


Si Marcos ay una nang kinasuhan ng murder dahil sa pagpatay kay Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa Senior subalit naibaba ito sa homicide.

Iginiit pa ni Carlos na nakasaad sa batas na kapag nakasuhan ng murder ang isang opisyal ng PNP, awtomatikong may kaakibat itong Leave of Absence.

Pero dahil sa naging homicide na lamang, awtomatikong lifted na rin ang leave of absence kung kaya nakabalik ito sa trabaho.

Facebook Comments