Pagbabanta ng DOJ na kakasuhan ang mga tauhan ng gobyerno na makikipag-ugnayan sa ICC, kinatigan sa Senado

Kinatigan ni Senador Ronald dela Rosa ang banta ng Department of Justice (DOJ) na kakasuhan ang sino mang tauhan ng gobyerno na lalahok sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa sinasabing drug war ng Duterte administration.

Ayon kay Dela Rosa, maituturing itong pagsuway sa polisiya ng gobyerno dahil walang hurisdiksyon dito ang International Criminal Court ICC.

Nilinaw rin ng senador na walang nakipag-ugnayan sa kanya hinggil sa nasabing imbestigasyon.


Una rito, sinabi ng dating senador Antonio Trillanes na may mahigit 50 aktibo at retiradong pulis ang kinausap na ng ICC hinggil sa drug war.

Facebook Comments