Pagbabantay kontra pork products, pinaigting sa NAIA

Manila, Philippines – Lalong pinaigting ng mga tauhan ng Bureau of Customs o BOC-NAIA at Bureau of Animal Industry (BAI) ang pagbabantay laban sa pagpasok ng contaminated pork at pork products na may African swine fever (ASF).

Ito ay makaraang pansamantalang ipagbawal kahapon ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang pagpasok ng frozen meat products mula sa Vietnam.

Upang mapangalagaan laban sa epidemya, ang Bureau of Animal Industry officials at BOC NAIA ay patuloy na pagpapakalat ng impormasyon sa customs NAIA frontliners ng Terminals 1, 2 at 3 upang palakasin ang pagbabantay laban sa African swine fever (ASF).


Mahigpit na ipinagbabawal ng gobyerno ang pagpasok ng pork meats at meat products na posibleng kontaminado ng African swine fever virus mula sa mga bansang China, Belgium, Hungary, Latvia, Poland, Romania, Russia at Ukraine.

Matatandaan na noong nakaraang linggo, pansamantalang ipinagbawal din ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang pagpasok ng frozen meat o meat product mula sa Japan.

Pinayuhan din ng Bureau of Customs (BOC) ang mga balikbayan na iwasan munang magbitbit ng mga frozen meat o meat product mula sa ibang bansa.

Facebook Comments