PAGBABANTAY NG HANAY NG KAPULISANSA BSKE 2023, MAS PINAIIGTING; ISANG PULIS BAWAT BARANGAY SA DAGUPAN CITY,ITINALAGA

Mas pinaiigting pa ng hanay ng kapulisan sa lalawigan ng Pangasinan ang pagbabantay para sa BSK Elections 2023 kung saan sa lungsod ng Dagupan ay nagtalaga na ang hanay ng tig-isang pulis sa bawat Barangay isang buwan bago pa ang mismong Eleksyon.
Ang pagtatalaga ng pulis sa kada Barangay ay para sa seguridad at kaayusan habang kasalukuyan nagaganap ang BSKE at para maiwasan ang alin pang insidente o karahasan na may kinalaman sa pulitika.
Ayon sa Chief ng Dagupan City Police Station, PLTCOL. Brendon Palisoc, sa ngayon ay wala pa silang naa-identify na mga Barangay sa lungsod na maaari nilang ilagay sa kanilang watchlist.

Samantala, dinagdagan naman ang mga itinalagang pulis sa tatlong Barangay na kasama sa yellow category areas of concern ng Pangasinan Police at ng COMELEC.
Bagamat hindi na binanggit pa kung saang mga Barangay partikular ay mula ang mga ito sa mga bayan ng Burgos, Mangatarem at San Quintin. |ifmnews
Facebook Comments