Ihahatid sa inyo ng buong pwersa ng Radio Mindanao Network (RMN) ang mas komprehensibo, mas pinalawak at mas pinalakas na pagbabantay ngayong midterm elections.
Binubuo ito ng DZXL RMN Manila katuwang ang RMN at iFM stations sa buong bansa, DWWW 774 at WRMN New York USA.
Ito ang “Bantay Balota: The Rmn Election Coverage 2019” na magbibigay sa inyo ng mga pinakahuling pangyayari sa national at local elections sa pamamagitan ng ating mga radyoman sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Ang pwersa ng RMN ay hahatiin sa walong cluster:
Unang cluster ay binubuo ng ating mga radyoman na nakabantay sa National Capital Region, Central Luzon Calabarzon, Mimaropa at Bicol Region.
Nakatutok sa unang cluster ang DZXL RMN Manila RMN Naga, RMN Legazpi, RMN Bataan, kasama rin ang ating mga radyoman sa Lucena, Sorsogon, Masbate at Palawan.
Ikalawang cluster ay pangungunahan DWKD RMN Cauayan, kasama ang ating mga radyoman sa Baguio, Laoag, Dagupan, Pampanga at Vigan na nakatutok sa Ilocos Region at Cagayan valley.
Ang DYHB RMN Bacolod ang mangunguna sa ikatlong cluster, kasama ang ating mga rmn stations sa Iloilo, Roxas, Kalibo at Boracay na tututok sa Western Visayas.
Ika-apat na cluster ay pangungunahan ng DYHP RMN Cebu na magbabantay sa mga kaganapan sa Central Visayas kasama ang ating mga radyoman sa Tacloban, Dumaguete at Bohol.
Pang-limang cluster ang tututok sa Zamboanga Peninsula na pangungunahan ng DXRZ RMN Zamboanga, kasama ang RMN Dipolog, RMN Pagadian at radyoman natin sa Ozamiz.
Ang DXCC RMN Cagayan de Oro ang mangunguna sa pagbabantay ng mga pangyayari sa Northern Mindanao kasama ang RMN Butuan, RMN Malaybalay, RMN Surigao at RMN Iligan.
Tututukan naman ng DXDC RMN Davao ang buong Davao Region na itinalaga bilang ika-pitong cluster.
At ang pang-walong cluster ay pangungunahan ng DXMD RMN General Santos na babantayan ang Soccsksargen Region kasama ang RMN Cotabato at RMN Koronadal.
Ang ating election coverage ay digitalized din! Kaya bisitahin ang social media accounts ng RMN para malaman ang mga update online!
Facebook: facebook.com/rmn dzxl 558 manila
Facebook.com/rmn news
Facebook.com/rmn news nationwide
Twitter: twitter.com/newsrmn
YouTube channel: dzxl558
Official website: www.rmn.ph