
Manila, Philippines – Kanselado ang bakasyon ng mga pulis at mga sundalo ngayong kapaskuhan.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos, wala muna bakasyon ang mga pulis para mapaigting pa ang pagbabantay at opensiba laban sa mga teroristang grupo.
Sinabi naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na maging ang mga tropa ng militar ay wala rin bakasyon.
Aniya, patuloy din ang opensiba laban sa mga bandidong Abu Sayyaf Group, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at maging sa iba pang mga grupong banta sa pambansang seguridad.
Target din aniya ng kanilang operasyon ang mga consultants, lider at mga miyembro ng CPP-NPA.
Facebook Comments









