
Cauayan City – Paiigtingin ng Barangay Alicaocao, Cauayan City, ang pagbabantay sa Alicaocao Bridge matapos itong makitaan ng pinsala.
Sa panayam ng iFM News Team kay Brgy. Kagawad Ruby Pelagio, pansamantalang ipagbabawal ang pagtawid ng malalaking sasakyan sa nasabing tulay bilang pag-iingat.
Nakikipag-ugnayan na rin umano ang barangay sa Brgy. Carabatan Chica para sa maayos na daloy ng trapiko.
Ayon naman kay City Engineer Edward Lorenzo, kailangang i-mitigate ang paggamit ng tulay habang hinihintay ang disenyo ng bagong slab na ipapalit sa nabutas na bahagi nito.
Layunin ng mga hakbang na ito ang masigurong ligtas ang mga dumaraan sa nasabing tulay.
Facebook Comments









