PAGBABANTAY SA BORDER CONTROL POINTS NG PANGASINAN, PAIIGTINGIN KASABAY NG OUTBREAK NG DELTA VARIANT; MABILIS NA PAGBABAKUNA, MALAKING TULONG SA PROTEKSYON AYON SA P.H.O

Mahigpit pa rin ang ginagawang seguridad na ginagawa ng awtoridad sa mga border sa Pangasinan at sa buong Region 1 upang mabantayan ang galaw ng tao lalo na ang mga taong nagmumula sa NCR na pumapasok sa lalawigan.

Ang pagbabantay umano sa mga borders ay ma-evaluate ang mga ito at mapigilan naman din ang posibleng pagkalat at pagpasok ng Delta Variant.

Sinabi ni Dra. Anna De Guzman, Provincial Health Officer ng Pangasinan na malaki ang umano ang magiging tulong ng magagawa ng pagpapatupad ng mabilisang pagbabakuna kontra COVID19 sa mga residente upang sa gayon ay may dagdag proteksyon.


Sa ngayon pa aniya ay tanging walong porsyento pa lamang umano sa Pangasinan ang nababakunahan kaya naman patuloy ito sa panawagan sa publiko na magpabakuna na.
Nanawagan naman din ito sa DOH Central Office na dapat ding masiguro ang tuloy tuloy na suplay ng bakuna para mabilis din ang roll out nito.

Facebook Comments