PAGBABANTAY SA BORDERS, PANTALAN AT MGA DAUNGAN, PAIIGTINGIN MULI NG PANGASINAN IATF KASABAY NG PAG USBONG NG OMICRON VARIANT

LINGAYEN, PANGASINAN – Mahigpit ngayon ang gagawing pagbabantay ng Provincial Inter-Agency Task Force (IATF) ng Pangasinan ang mga coastal areas sa lalawigan ng Pangasinan kung saan dumadaan at dumadaong ang mga dayuhang sasakyang pandagat, ito ay sa gitna ng banta ng bagong Covid-19 variant, ang Omicron.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Anna Ma. Teresa De Guzman, nagsagawa na ng pulong ang Provincial Inter Agency Task Force kasama ang Technical Working Group upang mailatag at maisapinal na ang mga kailangang gawin laban sa panibagong variant.

Natalakay dito ang mga gagawing paghihigpit sa mga nakatalagang Border Control Checkpoints sa lalawigan dahil sa hindi umano maiiwasan ang pagdating ng mga Overseas Filipino Workers (OFW’s) kasama na ang ilang mga dayuhang nagtutungo sa bansa.


Kasabay sa pagtutok sa mga pangunahing paliparan at pantalan ay ang mahigpit na pagbabantay sa mga coastal area sa Pangasinan partikular sa bayan ng Sual at Infanta na mayroong mga dumadaong na foreign vessel.

Nilinaw naman niya na sa ngayon ay hindi pa ipinapatupad sa Pangasinan ang S-Pass registration sa mga nais bumisita sa lalawigan ngunit maaari itong ibalik depende sa sitwasyon sa hinaharap at magiging rekomendasyon ng Provincial IATF. | ifmnews

Facebook Comments