Ipinaalala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Philippine Coast Guard ang kanilang critical role na bantayan ang boundary ng bansa kaya dapat ay palaging handa.
Ginawa ng Pangulo ang paaalalang ito sa kanyang mensahe sa Malakanyang sa ginanap na oath taking ceremony ng mga miyembro ng Coast Guard na nagsisilbing frontliners sa anumang banta sa mga coastlines ng bansa.
Giit ng Pangulo mahalagang palaging handa sa anumang untoward incidents.
Tiwala naman ang Pangilo sa opisyal ng Philippine Coast Guard dahil alam na raw ng mga ito kung paano gagampanan ang kanilang misyon.
Kaya naman magpapatuloy aniya ang suporta nila sa Coast Guard upang mas magampanan ang kanilang mandato nang sa ganun ay maramdaman ng mga Pilipino ang ligtas na pamumuhay sa bansa.
Bagamat ang pinaka pangunahing trabaho ng PCG ay magpatrolya sa mga boundaries ng bansa, binigay na rin sa kanila ang trabaho ng Philippine Navy na manatili sa mga binabantayang boundary.
Ito ay upang hindi makalikha ng tensyon sa mga binabanyang boundaries kapag nakikita ang military assests ng Philippine Navy.
Dahil sa mga mahalagang role na ito tiniyak ng Pangulo na ipagpapatuloy ang pag-upgrade ng kapabilidad, pasilidad at equipment ng Philippine Coast Guard.