Pagbabantay sa kaligtasan ng mga turista, pinaigting ng PNP

Pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang pagbabantay nito para sa kaligtasan ng mga turista ngayong holiday season.

Ito ay matapos maglabas ng travel advisory ang Canadian government na humihimok sa mga residente nito na manatiling alerto kung bibisita sa Pilipinas.

Ayon kay PNP acting Chief Police Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., na nagsasagawa ang PNP ng mga proactive approach para maresolba ang pangamba sa krimen at iba pang banta sa seguridad sa mga pangunahing tourist spots sa bansa.

Dagdag pa niya na nakikipag-ugnayan ang ahensya sa mga lokal na pamahalaan, tanggapan ng turismo, at mga stakeholder sa komunidad para mapanatili ang seguridad.

Ayon pa kay Nartatez na sinisiguro ng ahensya na may sapat na police visibility sa mga tourist spots kung saan ang pangunahing goal ng PNP ay masigurong mae-enjoy ng mga turista ang pagbisita sa Pilipinas ng ligtas.

Samantala, hinikayat naman ng PNP ang mga turista at ang komunidad na maging mapagmatyag at i-report ang anumang kahina-hinalang aktibidad.

Facebook Comments