Mahigpit na tutukan ngayon ng pulisya ang mga matataong lugar sa Dagupan City dahil sa inaasahang dagsa ng tao dahil sa holiday season.
Ayon kay Dagupan City PNP, Chief. PLtCol Brendon Palisoc, ilan lamang sa mga dinadagsa ng tao ay ang mga malls, simbahan, bus terminals, beach at iba pang pook pasyalan.
Aniya, inaasahang dodoble ang bilang ng mga bibisita sa probinsya ng Pangasinan ngayong Disyembre kabilang na ang lungsod.
Mayroong sapat na tauhan umano ang Dagupan PNP katuwang ang ilang pang force multipliers na tutugon sa pangangailangan seguridad ng mga bibisita.
Sa ngayon, patuloy ang pagpapatrolya ng pulisya sa plaza at food strip kung saan nagaganap ang mga petty crimes.
Paalala ng Opisyal, mag-ingat sa mga nanamantala ngayong Holiday season. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨