Pagbabantay sa mga entry points ng bansa, dapat higpitan sa harap ng bagong variant ng COVID-19

Inirerekomenda ng OCTA Research group ang pinag-ibayong pag-iingat at pagbabantay sa mga entry points ng bansa, ito’y sa harap ng pagkakatuklas ng mas mabilis makahawang bagong variant ng COVID-19 mula sa South Africa at Botswana.

Ayon kay Dr. Guido David, OCTA Research fellow, dapat na higit na maghigpit ang gobyerno at palakasin ang restrictions para sa mga pasahero na galing sa South Africa at Botswana.

Giit pa ni Dr. David, dapat maghigpit ng pagbabantay sa mga paliparan pa lamang at masusing pag-quarantine sa mga pasahero o dayuhan na galing mula sa naturang mga lugar.


Ang South Africa ay kasama sa green list ng mga bansa na ikinukunsiderang low risk habang ang Botswana naman ay nasa yellow list.

Ang mga pasaherong galing sa nasabing bansa ay maaring bumisita rito sa Pilipinas basta’t kailangan dumaan sila sa quarantine at testing protocols.

Sinabi pa ni David na ang bagong variant ng COVID-19 ay maaring maging potential cause of concern.

Ang B.1.1.529 ay sampung beses ang mutation kaysa sa Delta variant na dalawang beses ang mutation.

Ang bagong variant ang itinuturong na dahilan ng pagsipa muli ng kaso ng COVID-19 sa South Africa.

Facebook Comments