PAGBABANTAY SA MGA KATUBIGAN NG REHIYON UNO SA GITNA NG MGA PAGDIRIWANG, PINAIGTING NG COAST GUARD

Pinaigting ng Philippine Coast Guard ang pagbabantay sa mga katubigan ng Rehiyon Uno sa gitna ng mga pagdiriwang upang matiyak ang kaligtasan at maayos na biyahe ng publiko ngayong holiday season.

Patuloy ang lahat ng stations at substations ng Coast Guard District Northwestern Luzon sa pagpapatupad ng Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2025 bilang bahagi ng kanilang paghahanda at pagbabantay.

Nakatutok ang mga tauhan sa mga pantalan at baybaying-dagat upang masiguro ang kaayusan, kaligtasan, at agarang pagtugon sa anumang posibleng insidente.

Layunin ng operasyon na maging handa sa anumang sitwasyon at makapagbigay ng tulong sa mga biyahero kung kinakailangan.

Kasabay nito, muling pinaalalahanan ang publiko na maglakbay nang ligtas at responsable sa panahon ng mga pagdiriwang.

Facebook Comments