Pagbabantay sa mga naglipanang sasakyan na gumagamit ng wang-wang sa kalsada, tututukan ng PNP

Tututukan muli ng Philippine National Police (PNP) ang mahigpit na kampanya laban sa mga sasakyang gumagamit ng wang-wang sa mga lansangan.

Ito ay matapos matanggap ang mga reklamong naglipana na naman ang mga gumagamit ng wang-wang dahil sa nalalapit na halalan.

Batay sa inilabas na direktiba ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde , bawal na bawal ang hindi awtorisadong paggamit ng mga sirena, blinker at kahalintulad na mga maiingay na devices.


Mahigpit na utos ni Gen. Albayalde sa PNP Highway Patrol Group na pangunahan ang crackdown sa ilegal na paggamit nito, batay na rin sa Presidential Decree 96.

Nakasaad sa Presidential Decree 96, ang mga official vehicles lamang gaya ng mga Police mobile patrol, sasakyan ng mga sundalo, NBI , ambulansya, at fire truck ang mga maaaring may blinkers at wang-wang.

Facebook Comments